Buwan ng Wika, Ipinagdiwang
- Inna Daniela T. Lusong
- Aug 31, 2016
- 1 min read
Matagumpay na idinaos ng mga guro at mag_aaral ng Tinang Elementary School ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika nitong nakaraang Agosto 31, 2016.
Ang Buwan ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing sasapit ang buwan ng Agosto ng ating kalendaryo. Ito ay pinasinayaan ni Pangulong Manuel L. Quezon at ayon sa konstitusyon ng 1935, sinasabi na ang paggamit ng isang wika ay lubhang napakahalaga upang magkaintindihan ang mga Pilipino tungo sa magandang ugnayan at pagkakaisa ng bawat mamamayan, dahil dito itinuro sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan ang “Tagalog” bilang ating pambansang wika. Ang pagpapaunlad ng wikang pambansa at nakilala bilang “Filipino”, ay itinadhana ng Artikulo XIV, seksyon 6 ng ating kasalukuyang konstitusyon ng bansa. Ang ating ama ng wikang pambansa na si Pangulong Manuel L. Quezon ay isinilang sa buwan ng Agosto, at sa kadahilanang ito, ang buwan ng wika ay ipinagdiriwang taun-taon tuwing sasapit ang buwan ng Agosto.
Noong nakaraang Agosto nitong taon, ipinagdiwang ng Tinang Elementary School ang buwan ng wika na kung saan ay nagkaroon ng munting palatuntunan. Bawat pangkat ng mag - aaral ay nagbigay ng presentasyon at pagtatanghal.
Isa sa mga tungkulin at layunin ng pagkakaroon ng selebrasyon ng buwan ng wika ay upang maitanim sa puso at isipan ng bawat batang mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng ating wikang pambansa.

Comments